top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Diyos, kinuwestiyon ni Digong | LAHAT NA NG SAKIT ITINATAPON SA‘KIN

  • Mylene Alfonso
  • May 28, 2019
  • 1 min read

HINDI maiwasang tanungin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Diyos na tila itinapon na aniya ang lahat ng sakit sa kanya.

Tatanda na natin... lahat na ng sakit na ano iti­na­tapon na sa akin. Colon, sa ano,” ani P-Duterte sa kanyang talum­pati sa pagtatalaga ng bagong government officials sa Ma­lacañang.

“Tinanong ko ‘yung Diyos, eh. Sabi ko, ‘God, ano ba itong presidente? Patagalan sa mundo o pat­rabaho tayo dito and by the time we become un­pro­ductive, we should go out of this universe?’” sabi pa ni P-Duterte.

Una rito, pinuna ng ilang netizens ang tila hindi ma­gandang pakiramdam ni Duterte sa Philippine Military Aca­demy graduation rites sa Baguio City noong Linggo.

Sa panig naman ni Presidential Spokesman Salva­dor Panelo, dalawang oras lamang umano ang tulog ni Duterte kaya ipinaubaya niya kay Defense Sec­retary Delfin Lo­ren­zana ang pagbibigay ng diploma sa mga PMA graduate.

Pinagkaabalahan aniya ng Punong Ehekutibo ang ilang mahahalagang dokumento at pagbasa ng mga report mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Giit ni Panelo, nasa magandang kalusugan ang pa­ngulo at walang nakamamatay na sakit.

Nakatakda ring bumiyahe ang pangulo sa Japan para sa official visit ngayong linggo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page