2 tulak tepok sa buy-bust
NUEVA ECIJA—Dalawang drug pushers ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Pulong-Bahay, Quezon sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Jaymar Yangson at Claire Buenaventura, kapwa nakatira sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation sina Yangson at Buenaventura, pero nanlaban ang mga suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang dalawang suspek.





Comments