2 rebelde timbog
NEGROS ORIENTAL — Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Albiga, Siaton sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga nadakip na sina Diokno Bacubac at Angelita Quincina, kapwa miyembro ng NPA na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na dinakip ng pulisya sina Bacubac at Quincina sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang mga kasong homicide at attempted homicide sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang dalawang rebelde nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang lugar.





Comments