top of page
Pokwang.jpg

Stop na sa pagiging dependent, lodi! MGA PARAAN PARA MAKAPAGDESISYON NANG MAG-ISA

Jersey Sanchez
May 27, 2019
2 min read

Siguradong lahat tayo, eh, walang ibang gusto kundi ang maging ma­buting indibidwal. Pero, hindi lahat ng gusto natin ay nangyayari de­pende sa ating plano at da­hil dito, malaki ang posi­bilidad na mag-fail tayo. Nakaabang man ang fai­lures sa pag­papatuloy ng iyong buhay, hindi ito ang dapat mong paglaanan ng pansin. Gayunman, mga besh, narito ang mga pa­raan upang ikaw ang ma­ging ‘in charge’ sa buhay mo:

1. STOP DWELLING IN THE PAST. Ang patuloy na pananatili sa nakaraan ay makapipigil sa iyo para ipag­patuloy mo ang iyong buhay. Kapag ikaw ay na-stuck, ma­pipigilan nito ang iyong pag-usad at pag-grow dahil ma­uubos nito ang iyong pana­hon sa kaiisip ng mga bagay na dapat at hindi mo dapat ginawa noon. Dahil dito, ma­buting huwag mo nang pag­laanan ng oras ang pagbalik sa nakaraan, bagkus, gami­tin mo ang mga pagkakama­ling ito bilang inspirasyon para maging mabuti kang indibidwal.

2. DON’T CARE. Ba­gama’t, hindi maiiwasang may masasabi ang ibang tao tungkol sa iyo, make sure na hindi mo ito bibigyang-pan­sin. Gayundin, hindi mo ka­ilangang intindihin ang opin­yon ng ibang tao dahil ang pagiging totoo ay mas ma­halaga kaysa sa validation mula sa ibang tao. Okie?

3. DO WHAT YOU LOVE. ‘Ika nga nila, upang maramdaman mo na ma­laya ka, dapat mong gawin ang mga bagay na gusto mo at nakapagpapasaya sa iyo. Besh, it’s time para mag-step forward at kalimutan ang la­hat ng distractions na pumi­pigil sa iyo na gawin ang mga bagay na gusto mo. Sa ga­nitong paraan, matututunan mong mag-grow sa iba’t ibang paraan.

4. CREATE THE IMAGE OF YOUR­SELF. Besh, hindi masamang inga­tan ang iyong image, pero hindi mo kailangang maging perfect at ‘flawless’ dahil wa­lang taong perpekto.

Gayunman, ang pagsisi­kap na maging ‘perfect’ ay hindi magandang paraan para maging ‘better’, bagkus, mas mabuting mag-settle sa pagiging realistic, ngunit, nakatutulong para maging mabuti.

Muli, hindi mo ka­ila­ngang maging perfect, pero dapat mong itigil ang mga nakasanayan mo na hindi na­katutulong para mapaganda ang iyong image.

5. LET IT GO. Matuto kang mag-let go ng mga ba­gay na pumipigil sa iyo para ma-achieve mo ang gusto mo. Ito ay dahil ang anumang hinahawakan mula sa na­karaan ay siguradong ma­ka­pipigil sa iyo para umusad at maging better.

Oh, mga bro at sis, nga­yong alam n‘yo na ang mga dapat gawin para maging ‘in charge’ sa inyong buhay, make sure na susubukan ninyo ang ilang tips na ito, ha? Have a happy and mea­ningful life, mga beshy!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page