top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Partylist na para sa mga mahihirap, pulitiko at makapangyarihang tao ang representative?! Hmmm...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 27, 2019
  • 2 min read

BAKIT hindi napansin ng Commission on Elec­tions (Comelec) nang ipatu­pad ang partylist system na pulitiko, bilyunaryo at ma­kapangyarihang tao ang kinatawan o representante ng mga nasa laylayan umano ng lipunan?

Siguro na­man, napansin ito nang unang maisama sa halalan ang partylist. Ngayon ay samu’t saring partylist na ang nais makapasok sa Kongreso, ang iba ay katawa-tawa ang pangalan at ma­ging ang adbokasiya na hindi naman maituturing na maralitang miyembro ng lipunan.

Kapansin-pansin ang numerong “1” at letrang “A” sa unahan ng mga panga­lan ng maraming partylist, marahil, upang manguna sa balota.

Kung isa lang ang kailangang iboto ng tao sa partylist baka tamarin nang magbasa ang botante at markahan na lang ang nasa unahan ng listahan kung wala namang antimanong partylist na sinusuportahan.

Sa kabila nito, bagama’t, mapapan­sing karamihan sa 51 naiproklama ng Co­melec ay kilalang kaalyado ng adminis­trasyon, karamihan sa mga kilalang kontra sa administrasyon ay nakapasok din.

Ilang beses mang sabihin na hindi magiging sunud-sunuran o “rubber stamp” ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang mga naihalal na malapit sa pangulo, karamihan sa mga ito ay ginawa ang kilalang “fist bump” nang magpa­litrato, ‘yun ba ang hindi sunud-sunu­ran?

◘◘◘

Bumalik na naman umano ang mga barkong humuhukay sa kailaliman ng ka­ragatan para makakuha ng mga higanteng taklobo.

Ito ang nakita ng sa­tellite na na­katutok sa West Philippine Sea (WPS).

Kahit malawak na ang danyos na idi­nulot sa bahura, narito na naman sila para dagdagan ang danyos na kanilang nagawa kapalit ng tsansa nilang kumita.

Matatandaang, iginiit ng gobyerno ng China na hindi raw nito alam ang pi­nag­gagagawa ng mga barko nito sa kapaligiran ng Scarborough Shoal, ang galing talagang magpaikot ng kuwento!

Darating ang panahon kung saan hindi na mahihilom ang bahura at tu­luyan nang mamamatay.

Kapag namatay ang bahura, maa­apek­tuhan din ang kalikasan kung saan apektado ang mga isda at kapag apek­tado ang isda, malamang, apektado ang mangingisda.

Ano ang gagawin ng mga barkong-pangisda ng China?

Hahanap ng ba­gong lugar na pu­wedeng pagkakitaan.

Magrereklamo kaya ang gobyerno tungkol sa isyung ito o sasabihing pag­kain lang ang mga ‘yan?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page