Pagtatapos ng halalan, umpisa ng ating laban, ganern!
- BULGAR

- May 27, 2019
- 1 min read
TAPOS na ang halalan, naiproklama na ang mga nanalo. May mga nagdiwang at mayroon din namang nalungkot, pero ang pinakamainam gawin ngayon ay mag-move-on na tayong lahat and let us work together.
Pero, bago ang lahat, siyempre, super big thanks muna ang gusto nating ipaabot sa lahat ng mga sumuporta sa atin.
Waley tayo sa Magic 12 kung hindi sa tulong at tiwala ng ating mga friendship!
Ang mga beki at iba pang miyembro ng LGBT na bonggang-bonggang tumulong sa atin at hindi bumitiw ay taos-puso nating pinasasalamatan. Mga bakla, big thanks, mwah!
Iniaabot din natin ang ating mga kamay ng pasasalamat sa mga OFW at kanilang pamilya na hindi nakalimot at isinama tayo sa kanilang listahan.
Sa pag-uwi ninyo, makaaasa kayo ng warm homecoming from yours truly.
Sa mga volunteer na hindi ininda ang init, pagod at minsan ay gutom para lang makatulong sa atin, a million thanks to all of you, too!
Sa mga magsasaka, makaaasa kayong patuloy nating isusulong ang inyong interes at makaaasa kayo sa ating suporta.
At sa mga basher at hater, thank you rin sa inyo kasi kung wala kayo, hindi namin pinagsikapang mabuti ang laban at maitawid ito.
Sa mga Ilocano, truly the north remembers! I love you all! Tunay na walang kupas ang pagmamahal at suporta ninyo!
Tapos na ang eleksiyon, pero simula pa lamang ito ng ating laban kaya magtulung-tulong tayong lahat!





Comments