Nanlabang pusher todas
CABANATUAN CITY — Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Barrera sa lungsod na ito.
Nakilala ang suspek na si Randy Calanday, nakatira sa Villaluz Subdivision, Bgy. Mabini Homesite sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si Calanday, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad namang gumanti ng putok ang mga tauhan ng pulisya na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments