Motor sinalpok ng bus, angkas utas

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang hindi pa nakikilalang angkas ng motorsiklo habang kritikal ang driver nito matapos salpukin ng pampasaherong bus sa National Rd., Bgy. Palahanan 2.0, San Juan, Batangas.
Alas-12:50 ng tanghali, sakay ng motorsiklo ang biktimang si Raymart Tobeo, kasama ang hindi pa nakikilalang angkas nang kainin ng Nissa Alps Bus na minamaneho ng suspek na si Robin Villamor ang kanilang linya.
Tumalon ang mga biktima na nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Naisugod pa ang mga ito sa pagamutan ngunit, binawian din ng buhay ang angkas ng motor kalaunan.





Comments