top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kulang sa sundalo — Digong | KADETENG RAPIST, ADIK ABSUWELTO

Mylene Alfonso
May 27, 2019
2 min read

MULING nagbiro si Pangulong Rod­rigo Duterte kaugnay sa rape sa gradua­tion ce­remonies ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class ng 2019.

Si Duterte ang nagsilbing guest of honor at keynote speaker sa nabanggit na PMA graduation rites. Nabatid na naggagawad ng pardon ang pangulo para sa ilang offenses ng mga PMA cadet matapos ang commen­cement ceremony.

Kaya matapos ang kanyang talumpati, nilagdaan ni Du­terte ang dokumento na magbibigay ng pardon sa lahat ng outstanding punishments para sa PMA underclassmen. Ngunit, habang pinipirmahan niya ang naturang mga do­kumento, nagkunwaring nagbabasa ang pangulo ng mga offenses na kanyang gagawaran ng pardon kung saan kabilang sa sinabi nito ang rape at paggamit ng droga.

“Number one is for rape. P****. Ang number two is drugs with robbery. Para sa Muntinlupa ito, eh. Pangatlo, multiple rape of the women in Baguio, the beautiful ones. Sino ‘yan?” ani Duterte na umani naman ng tawanan mula sa audience.

“Way moangkon. Okay. Better luck next time. You are all pardoned. Congratulations,” wika pa ng Pu­nong Ehekutibo.

Una rito, tinanong muna ng pangulo kung sinu-sino sa underclass ang dapat na bigyan ng pardon.

“Pirmahan ko na? Eh… God… Sino ang nag­kasala? Taas kamay. Ah, hindi ako pipirma nito. You have to be... Show to me your face. Who are to be pardoned?” ani Du­terte habang itinataas ang kanyang kamay.

“Para ring pulis, ha? Natuto na kayo sa pulis ayaw mag-admit. Well, anyway, I’ll pass you this time because I need good and capable soldiers and I know that one or two is bound to happen. Pero patawarin ko kayo,” saad pa ng Chief Executive.

Gayunman, hinimok ng pangulo na dapat din maging ma­lakas ang loob at tapat sa misyon ang mga bagong sundalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page