top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kaukulang parusa sa paglabas ng maling klasipikasyon ng mga lupain

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Nakarating sa aming kaalaman na ang isang empleyado ng gobyerno ay naglalabas ng maling klasipikasyon ng mga lupa sa aming probinsiya. Ang ibang parte ng kagubatan ay idinideklara nilang ‘alienable and disposable lands’. Nais naming malaman kung may batas bang maaaring maging basehan upang sila ay managot sa kanilang gawain? — Xenia

Dear Xenia,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Presidential Decree No. 705 o mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code. Nakasaad sa Section 74 nito na:

“Section 74. Misclassification and survey by government official or employee. Any public officer or employee who knowingly surveys, classifies, or recommends the release of forest lands as alienable and disposable lands contrary to the criteria and standards established in this Code, or the rules and regulations promulgated hereunder, shall, after an appropriate administrative proceeding, be dismissed from the service with prejudice to re-employment, and upon conviction by a court of competent jurisdiction, suffer an imprisonment of not less than one (1) year and a fine of not less than one thousand, (P1,000) pesos. The survey, classification or release of forest lands shall be null and void.”

Ayon sa nasabing batas, maparurusahan ang mga opisyal o empleyado ng gobyerno na maglalabas ng survey, klasipikasyon o rekomendasyong ideklara ang forest lands bilang alienable and disposable lands na hindi alinsunod sa kriterya at batayan ng nasabing batas o mga alituntunin tungkol dito. Ang sinumang lumabag ay maparuru­sahan ng pagkakulong ng hindi bababa ng isang (1) taon at multa na hindi bababa sa isang libong piso (P1, 000). Ang maling survey o klasipikasyon ay ituturing na null and void.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page