top of page

Filipino at Panitikan, out na sa kolehiyo, SC at CHED, parehong hindi marunong magmahal sa sariling

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 27, 2019
  • 2 min read

KAPAG NAWALAN NG TRABAHO ANG MGA DATING KASAMA NI JIMMY BONDOC SA ABS-CBN, HAPPY DAW SIYA — Si Jimmy Bondoc ay naging talent ng ABS-CBN noong ka­bataan niya kaya kahit saang anggulo tingnan, mali ang post niya sa social media na happy siya kapag naipasara na ang malaking TV network na pinag­bantaan ni P-Duterte na hindi na pagkakalooban ng prangkisa, next year.

Sakaling totohanin ni P-Duterte na hindi i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, libu-libong mangga­gawa, empleyado at talents ang mawawalan ng hanap­buhay at pati na ang kanilang pamilya ay mag­durusa, pero im­bes na malungkot sa sasapitin ng kanyang mga dating kasama sa trabaho, tila happy pa si Bondoc, pwe!

◘◘◘

SC AT CHED SA MAG-AARAL, DED­MA­HIN ANG FILIPINO AT PANITIKAN — Ki­nati­gan ng Supreme Court (SC) ang hirit ng Com­mission on Higher Education (Ched) na tanggalin na bilang subjects sa kolehiyo ang Filipino at Panitikan.

Kumbaga, parang sinabi na rin ng SC at CHED sa mga mag-aaral na laos at dedmahin na ang pamosong salita ni Gat Jose Rizal na “ang hindi marunong mag­mahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at ma­lansang isda.”

Dahil d’yan, lumalabas ngayon na “ang hindi ma­runong magmahal sa sariling wika ay ang SC at CHED”, mga buwisit!

◘◘◘

DAPAT TUPARIN NI “BONG” GO ANG CAMPAIGN PROMISE NA DAGDAG-SU­WEL­DO SA MGA TEACHER — Isa sa campaign pro­mise ni P-Duterte noong 2016 Presidential Elec­tions na kanyang tinupad ay ang gawing doblado ang suweldo ng mga pulis at sundalo.

Sana ay tularan ni Senator-elect “Bong” Go ang kan­yang amo na marunong tumupad sa pangako, ibig sabihin, tuparin din niya ang campaign promise niya (“Bong” Go) na padaragdagan niya ang suweldo ng mga guro kapag nagwagi siyang senador, period!

◘◘◘

BUREAU OF CUSTOMS OFFICIAL NA SA­BIT SA SHABU SMUGGLING, IPINROMOTE PA NI P-DU­TERTE — Ang nasangkot sa shabu smuggling na sinibak noon ni dating Bureau of Cus­toms Comm. Isidro Lapeña na si dating MICP Collector Vener Baquiran ay ipinromote pa ni P-Du­terte, sa puwesto at ginawang deputy commissioner ng Ad­wana.

Ang sabi ni P-Duterte, hate raw niya ang drugs. Ano ito, patawa lang? Ha-ha-ha!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page