top of page
Pokwang.jpg

ELITE, NAGWAGI VS. DYIP PACIFIC ARMY UNA SA PVL

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2019
2 min read

PATULOY ang pamamayagpag ng Blackwater Elite matapos nilang pagulungin ang Columbian Dyip, 118-110, kagabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Solo sa top spot ng team standings ang Elite kapit ang 3-0 card. Hindi nadomina ng Elite ang laban sa unang dalawang quarters, tatlong puntos lang ang kanilang lamang, 57-54, sa halftime.

Sa third quarter, unti-unting lumayo ang Elite at nakalamang sila ng 10 puntos, 89-79, papasok ng fourth canto. Naging matatag ang Blackwater sa playoff period kaya nakuha nila ang matamis na panalo.

Samantala, nais ng TNT KaTropa at NorthPort Batang Pier na manatiling malinis ang kanilang karta pero isa lang sa kanila ang uuwing tagumpay. Nakatakdang magharap ang KaTropa at Batang Pier sa Miyerkules ng 4:30 p.m. sa Mall of Asia Arena. Tangan ang tig 2-0 karta, masisikwat ng mananalo ang top spot kaya inaasahang magiging mahigpit ang kanilang banatan.

Nasilo ng TNT ang pangalawang panalo nang kalusin nila ang Alaska Aces, 99-85, noong Sabado ng gabi. Nangalabaw si import Terrence Jones ang 43 points at 22 rebounds sa kanilang huling laro kaya naman paniguradong siya pa rin ang kakapitan para makuha ang pangatlong sunod na panalo.

Samantala, pinataob ng PacificTown Army ang BaliPure, 25-20, 25-16, 24-26, 25-23, kahapon sa pagbubukas ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Nagsipagtala sina Lady Troopers imports Jenelle Jordan at Lena Lymareva-Flink ng tig-15 puntos upang pamunuan ang panalo.

“First two sets kontroladong-kontrolado namin but, ‘yung third set ‘yung breaks of the game, medyo mabigat para sa amin,” wika ni Lady Troopers coach Kungfu Reyes. “Kailangan na naming i-maximize talaga na kung kaya naming tapusin ng hanggang third set, tatapusin na namin.” (ATD/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page