Presyo ng gas, ibinababa para itaas, ngek!

NAGPAKITA si Pangulong Rodrigo Duterte sa PMA graduation sa Baguio City.
Meaning, buhay pa siya!
◘◘◘
KAYRAMI pa rin ang nakukumpiskang shabu.
Ilang tonelada kaya ang nakalulusot?
◘◘◘
INABISO na ng Comelec ang preparasyon sa barangay election na nakatakda sa Mayo 2020.
Hindi pa tapos ang pagdanak ng dugo!
◘◘◘
AABOT sa 30 warships ang bibilhin ng Pilipinas.
Ito ay napakalaking tama!
◘◘◘
WALANG umuunlad na bansa na may mahinang armed forces.
Kakambal ng pag-unlad ang matatag na AFP!
◘◘◘
IBINAWAL na ang pagdalaw ng mga Filipino government official sa Canada.
Pinandidirihan sila ng Pilipinas dahil sa mabahong basura!
◘◘◘
KALMANTE si ‘Tito Sen’ na hindi matatraydor ng kapwa senador.
‘Yan ay kung puro lalaki ang miyembro ng Senado!
◘◘◘
SINO raw ang “bet” ng ABS-CBN sa speakership sa Kamara?
He-he-he!
◘◘◘
PINAUWI na si alyas Bikoy nang walang guwardiya.
Ingat siya kay “Lupin”!
◘◘◘
IBABABA ang presyo ng petrolyo.
Ito ay buwelo upang maitodong muli ang presyo sa susunod na linggo!





Comments