Best decision daw na minahal niya ang aktor… KATHRYN, IBINULGAR ANG MGA NANGYAYARI SA KANILA NI DANI
- BULGAR

- May 27, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

‘KAAliw basahin ang love letter ni Kathryn Bernardo para sa boyfriend na si Daniel Padilla para sa selebrasyon ng 7thanniversary nila as couple. Sweet ang letter ni Kathryn at the same time, patatawanin ang makakabasa sa mga ibinuking niya kay DJ.
Ang sweet ng binanggit ni Kathryn na minamasahe ni Daniel ang mga paa niya after wearing heels for a day, ‘yung nagagalit si Daniel ‘pag hindi siya nagte-text ng good night, ‘yung itinatali ni DJ ang sintas ng sapatos niya at ginugupitan ang kuko niya at ang bigla nitong pagbulong ng “I love you” at paghalik sa noo niya.
Nakakatawa naman ang binanggit ni Kathryn na bigla na lang umuutot si Daniel, ang pagiging moody ng aktor sa umaga at mas gustong matulog kesa magpunta sa gym.
Ibinuking din ni Kathryn na takot sa small planes si Daniel, kaya ayaw bitawan ang paghawak sa kamay niya, ang pagiging OC ni Daniel at kung gaano kamahal ni Kathryn ang sweaty hands at scent ng t-shirt ng BF, gayundin ang pagiging overly conservative nito.
Pero sabi ni Kathryn, “But I love even the things I hate about you- because you’re real, because what we have is real, and because these ordinary things make our relationship extraordinary.”
Tinapos ni Kathryn ang sulat niya sa pagsasabing, “Happy, happy 7th anniv to us, mahal! Thank you for being my dream guy and my reality guy at the same time. Falling and staying in love with you is the best decision I’ve ever made.”





Comments