top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Basura ‘di kinukuha, utos ni P-Du30 | GOV‘T. OFFICIALS BAWAL MAG-CANADA

  • Mylene Alfonso
  • May 27, 2019
  • 1 min read

KINUMPIRMA ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pinalimitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng travel authorities para magsagawa ng official trips patungong Canada.

Ito ay makaraang mabigo ang Canada na kunin ang tone-toneladang basura na kanilang ibinagsak sa bansa noong 2013 at 2014 matapos ang itinakdang deadline.

Batay sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, noong May 20, 2019, pinagbawalan din ng pangulo ang mga nasa government owned, controlled corporations at government institutions na magbigay ng travel authorities sa Canada.

Pinalilimitahan na rin umano ng pangulo ang government agencies na magkaroon ng official interaction sa mga kinatawan ng Canadian government.

Giit ni Panelo, alinsunod ang memorandum sa paninindigan ng pangulo na hindi nababahala ang Pilipinas na putulin ang diplomatic ties sa Canada kung hindi nila kukunin ang kanilang basura.

Nagsimula ito sa pamamagitan ng pag-recall ng Pilipinas sa ambassador at consul-general nang mabigo ang Canada na makamit ang itinakdang May 15 deadline para kunin ang basura.

Una rito, ipinag-utos ng Punong Ehekutibo ang paghahanap ng private shipping company na magbabalik ng basura sa Canada.

Inako rin ng gobyerno ng Pilipinas ang gatusin sa pagbabalik ng basura sa nabanggit na bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page