Misis mo, Chiz, tinalbugan sina Jinkee, Gretchen at Kris… HEART, ALA-IMELDA, IDINISPLEY ANG MGA BRAN


AT last, ipinasilip na ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang kanyang makulay at napaka-bonggacious na closet.
Super duper sa ganda at kasosyalan ang walk-in closet ni Heart at nang i-post niya ang video nito, ang Love Marie Closet Tour ay umani agad ito nang libu-libong likes at views.
Nakakalula ang collection ng signature bags ni Heart — may Hermes, Louis Vuitton, Chanel, atbp. high-end brands.
Maging ang kanyang collection ng high-heeled shoes, mistulang pag-aari ng prinsesa. Pati ang kanyang mga designer clothes, bonggang-bongga at napaka-organized ng pagkakaayos na may color coordination pa.
Nakahiwalay ang puti, itim, atbp. kulay. White ang favorite color ni Heart at marami siyang white clothes na iba-iba ang design. Mahilig din daw siya sa damit na lace.
Bukod sa bags, shoes at clothes, marami ring shades (sunglasses) at designers perfume collection si Heart.
Tulo-laway tiyak ang sinumang nakapanood ng closet tour ni Heart. Sa sobrang kasosyalan at ganda ng mga gamit ng aktres, mukhang dinaig at tinalbugan na niya sina Jinkee Pacquiao, Gretchen Barretto, Kris Aquino, atbp. celebrities ngayon.
Mistulang Imeldific na ang awra ni Heart dahil sa kanyang amazing closet. Pero, pinaghihirapan naman niya ang ibinili sa kanyang mga branded bags, shoes, atbp..





Comments