top of page

Karapatan ng kababaihan sa pagdadalantao

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 26, 2019
  • 2 min read

Sa buhay ng babae, ang pagdadalantao o pagbubuntis ay maselang sitwasyon bagama’t, ito ay bahagi na ng buhay ng kababaihan. Sa kanyang pagdadalantao, dadalhin ng babae sa kanyang sinapupunan ang bata sa loob ng siyam (9) na buwan. Kung ang pagdadalantao ay maselang katayuan ng babae, ang pagluwal sa nasabing sanggol ay isa ring mabigat na bahagi ng buhay ng babae na kanyang papasanin at dahil dito, ganu’n na lamang ang pagbibigay-halaga ng batas para sa kababaihan.

Sa kalalakihan na nananakit ng kanilang asawa o kanilang kinakasama, sila ay maaaring maparusahan ayon sa probisyon ng Republic Act (R.A.) No. 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004). Pinarurusahan ng batas na ito ang pang-aabuso sa babae, ito man ay pisikal, seksuwal, ekonomikal o sikolohikal. Maaaring makulong ang lalaki na mananakit at mang-aabuso sa kanyang asawa o kinakasama. Ang pagtanggi ng lalaki na bigyang-suporta ang kanyang asawa ay krimen at maaaring makulong ang lalaki kapag napatunayang walang dahilan para ipagkait niya ang kanyang suportang-pinansiyal sa kanyang asawa. Kung buntis ang babaeng sinasaktan ng kanyang asawa o kinakasama at nalaglag ang batang kanyang dinadala, hindi lamang paglabag sa probisyon ng R.A. No. 9262 ang maaaring ikaso sa kanya kundi maging ang paglabag sa probisyon ng Revised Penal Code (RPC) tungkol sa abortion. Maaaring kasuhan ng paglabag sa Articles 256 at 257 ng RPC ang taong mananakit sa buntis.

Sa trabaho naman, binibigyan ng batas ang kababaihang buntis ng mga prebilehiyo nang dahil na rin sa kanilang maselang kalagayan. Ang babaeng manggagawa na nabuntis ay may karapatang mabigyan ng Maternity Leave Benefits with pay na may kabuuan na 105 days. Kung siya naman ay solo-parent, siya ay may karagdagang labinlimang (15) araw na leave benefits with pay (Section 3, R.A. No. 11210). Kailangan lamang na siya (Social Security System o SSS member) ay nakapagbayad ng three (3) monthly contributions sa loob ng labindalawang (12) buwan bago ang semestre ng kanyang panganganak. Parehong benepisyo ang ibinibigay sa mga babaeng nakunan o nagkaroon ng miscarriage.

Sa pagkakataon na maranasan ng kababaihang manggagawa ang diskriminasyon nang dahil sa kanilang pagdadalantao o matanggal ang babae sa kanyang trabaho dahil sa siya ay nag-asawa o nabuntis, siya ay may karapatang maghain ng illegal dismissal case dahil hindi pinahihintulutan ng Article 137 ng Labor Code of the Philippines ang pagtanggal sa babaeng empleyado nang dahil lamang sa siya ay buntis. Malinaw na nakasaad sa nasabing probisyon ang mga sumusunod:

Art. 137. Prohibited acts. – It shall be ­un­­law­ful for any employer:

(1To deny any woman employee the benefits provided for in this Chapter or to discharge any woman employed by him for the purpose of preventing her from enjoying any of the benefits provided under this Code;

(2To discharge such woman on account of her pregnancy, while on leave or in confinement due to her pregnancy; or

(3To discharge or refuse the admission of such woman upon returning to her work for fear that she may again be pregnant.” (Binigyang-diin)

Batay pa rin sa nabanggit na batas, ipinagbabawal ang pagtangging tanggapin ang empleyadong babae na pumasok muli sa trabaho dahil sa takot na mabuntis itong muli.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page