Iwas-bullying | LGBT CR SA ELEMENTARY

NAKATAWAG ng pansin ngayon ang palikuran sa isang eskuwelahan sa Iloilo na inilaan para sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community.
Naging usapan na rin ng mga netizen ang LGBT comfort room ng Alimodian Central Elementary School.
Noong nakaraang taon pa umano binuksan ang palikuran para sa mga LGBT na may nakasulat pa ng pangalan ni Mayor Geefree “Calay” Alonsabe na isa ring miyembro ng komunidad.
Layunin umano ng pagtatayo ng palikuran na maiwasan ang bullying sa mga batang miyembro ng 3rd sex at maituro ang tamang pagrespeto sa kapwa.
Ikinatuwa naman ng LGBT community ang nasabing hakbang na pagpapakita lamang ng pagbibigay-halaga sa pangangailangan ng kanilang hanay.
Maliban sa palikuran para sa mga miyembro ng LGBT, may hiwalay ding comfort room para sa mga may kapansanan.





Comments