Dahil kay 'Bikoy', mga tsismoso't tsismosa, puwede nang sumikat

NAKALAYA na si “Bikoy” nang magpiyansa.
Huwag sana siyang mang-aagaw ng baril-barilan!
◘◘◘
PAANO ba aayusin ng korte ang isang pusakal na sinungaling?
Ang problema ay kung mapatunayang hindi si Peter Joemel Advincula ang “Bikoy” na nasa “Ang Totoong Narco-list” video.
He-he-he!
◘◘◘
NAKAPAGTATAKANG walang “physical evidence” na inilalantad sa “Bikoy” scam.
Puwede nang sumikat ang mga “tsismoso’t tsismosa”.
Ha-Ha-Ha!
◘◘◘
NABUBUHAY ang nagpakilalang si “Bikoy” sa pagsisinungaling.
Huwag ka, isa na siyang “icon” sa black propaganda!
◘◘◘
MISTULANG double-agent si “Bikoy”.
Sa mga pelikula sa Hollywood, ano ba ang ending ng mga pelikula na bida ang “double agent”?
◘◘◘
BIBIHIRA nang makita si P-Digong sa telebisyon, bakit?
Kasi hindi naman siya “TV celebrity”!
◘◘◘
NAWALA na sa eksena sina Mocha Uson at Harry Roque.
Kumbaga, hindi sila naisali sa “laro”!
◘◘◘
MARAMI nang nagpaplano para sa 2022 Presidential Elections.
No.1 priority nila, mag-ipon ng pambili ng boto.
Sa national, maghanap ng sponsor sa TV ads!
◘◘◘
WALA pa rin nakukuhang gaganap bilang Darna.
Kayrami na ang nag-audition kasi kapag naging “Darna” sila, puwede na silang kumandidato sa Senado!





Comments