top of page
Pokwang.jpg

BATANG PIER ANTHONY NILUNOD ANG WARRIORS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 26, 2019
2 min read

KUMAPIT sa top spot ng team standings ang NorthPort Batang Pier matapos nilang pagulungin ang NLEX Road Warriors, 83-79, kagabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Nagtala si Best Pla­yer of the Game Sean Anthony ng 17 points at anim na rebounds upang tulungan ang Batang Pier na ilista ang 2-0 karta.

Kahit walang import, ganadong maglaro ang Road Warriors sa unang dalawang periods ma­tapos nilang hawakan ang 8-point lead, 43-35, sa halftime.

Subalit biglang umi­nit ang opensa ng Ba­tang Pier sa third canto, kinarga nila ang 24-14 bentahe para agawin ang unahan, 59-57, papasok ng 4th quarter.

Naging matatag ang Batang Pier sa playoff period upang makuha ang inaasam na panalo.

Samantala, pakay ng Blackwater Elite na masilo ang pangatlong sunod na panalo pagha­rap nila sa Columbian Dyip ngayong 4:30 p.m. sa parehong lugar.

Tangan ang 2-0, muling sasandalan ng Elite sina import Alex Stepheson at locals Mac Belo at rookie Bobby Ray Parks Jr.

Kumayod si Stephe­son ng 28 points at 25 rebounds upang akba­yan ang Elite sa panalo kontra crowd favorite Barangay Ginebra, 108-107, noong Biyernes.

Nakapagtala si Parks ng 2 puntos habang 28 din ang inambag ni Belo kasama ang 13 rebounds. Umaasa rin si Black­water interim head coach Aris Dimaunahan na maipagpa­pa­tuloy ng kan­yang mga bataan ang magandang laro para manatiling malinis ang karta. “They have that mentality of not giving up,” patungkol ni Dimaunahan sa kan­yang players, “It’s in their system, it’s in their hearts. Hopefully, we can build on it and get another win on Sunday.”

Magkakaldagan sa pangalawang laro ang Gin Kings at Meralco Bolts ng 6:45 p.m. (ATD)

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)

4:30 p.m. - Blackwater vs Columbian

6:45 p.m. - Meralco vs Bgy. Ginebra

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page