Bangkay ng bebot natagpuan
- Pabs Hernandez III
- May 26, 2019
- 1 min read
DAVAO CITY—Isang hindi kilalang babae ang natagpuang patay habang nakalutang sa ilog na sakop ng Bgy. 76-A sa lungsod na ito, kamakalawa.
Ang biktima ay tinatayang nasa 40-45 ang edad, may taas na 5’0”, nakasuot ng kulay itim na t-shirt at brown na pantalon.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ng biktima sa Davao River sa nasabing lungsod.
Iniimbestigahan na ng pulisya kung may naganap na foul play o pagkalunod ang ikinamatay ng biktima.





Comments