ABS-CBN, ipinagtanggol… SIGAW NG NETIZEN: DEREK, WALANG LOYALTY SA GMA-7, WALANG RESPETO SA TV5!
- BULGAR

- May 26, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

INAWAY ng mga netizens si Derek Ramsay dahil nag-post ng suporta sa ABS-CBN kaugnay ng banat dito ni Jimmy Bondoc, na kaya naman ginawa ng Kapuso actor na ngayon ay dahil six years din siyang naging Kapamilya.
Dahil sa suporta ni Derek, tinawag siyang walang loyalty sa GMA Network at walang respeto sa TV5, ang last network na pinagtrabahuhan niya bago lumipat sa Kapuso.
Paano ‘yan, nagpahayag din ng suporta si Atom Araullo sa ABS-CBN, magalit din kaya sa kanya ang mga netizens at akusahan siyang walang loyalty sa GMA-7?
Post ni Atom sa Facebook: “Sending love and support to my family for over a decade. Your media colleagues have got your back.”
Sa mga nabasa naming feedback, pinuri si Atom dahil marunong daw lumingon sa pinanggalingan at hindi siya nakalimot. May nag-comment pa na dahil sa post na ito ni Atom, bumalik ang pagkagusto niya sa male broadcaster.
Pati nga si John Estrada, nagpahayag din ng suporta sa ABS-CBN by posting in his Instagram (IG) account ng “Although I’m with GMA right now... I’m grateful for my 29 years with abs-cbn... Maraming salamat po...”
Hindi naman siguro mame-memo-han ng GMA-7 sina Derek, Atom at John dahil sa pagpapahayag ng suporta sa ABS-CBN.
Anyway, si Atom, busy sa kanyang The Atom Araullo Specials, at I-Witness at minsan, newscaster sa 24-Oras. Si John naman, napapanood sa Kara Mia at si Derek ay mapapanood din sa primetime series na The Better Woman kasama si Andrea Torres.





Comments