top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

3 sangkot sa droga, timbog

Maeng Santos
May 26, 2019
1 min read

TATLONG hinihinalang sangkot sa iligal na droga ka­bilang ang isang menor-de-edad na babae ang arestado matapos mag-eskandalo sa Caloocan City.

Alas-9:30 ng gabi, nagsa­sagawa ng anti-criminality campaign ang mga opera­tiba ng Caloocan Police Sta­tion Special Operation Unit sa pangunguna ni P/Capt. Jer­vies Soriano sa DM Compd., Bgy. 73 nang ma­pansin ang dalawang babae na nag-a­away at nagsasa­kitan sa ha­rap ng publiko.

Nang komprontahin ng mga operatiba, pumalag at nagpatuloy ang dalawang babae na nakilalang si Lyca Castillo, 20, at ang 14-anyos na dalagita sa kanilang pag-aaway kaya napilitan ang mga pulis na arestuhin ang mga ito at narekober sa ka­nila ang apat na sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nauna rito, alas-6:30 na­man ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng PCP-7 si Ricky Laroya, 40, construc­tion worker, matapos mag­wala at maghamon ng away habang armado ng dalawang bolo sa Bgy. 162.

Nang kapkapan, nakum­piska sa suspek ang sachet na naglalaman ng hinihina­lang shabu, ilang drug para­phernalias na may bahid ng shabu at dalawang bolo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page