top of page

ROTC, malaki ang maitutulong sa mga kabataang naliligaw ng landas

  • Ryan B. Sison
  • May 25, 2019
  • 1 min read

MATAPOS ang ilang pagtatalo, ina­prubahan na ang pagsasagawa ng Re­serve Officers’ Training Corps (ROTC) sa senior high school kung saan tinutulan ito ng Akbayan Youth dahil magdudulot lang umano ito ng karahasan at pang-aabuso sa kaba­taan.

Sa totoo lang, para sa atin, tama lang ang pag-apruba sa ROTC dahil bukod sa malilinang ang kaalaman ng kabataan hinggil sa paraan kung pa­ano hinahasa ang mga militar na malaki ang tungkulin sa bansa, makatutulong din ito sa kanila upang maging res­ponsable at disiplinado silang mama­mayan.

Sa ngayon, maraming kabataan ang naliligaw ng landas, dagdag pa na mas­yado na silang kinakain ng sistema ng teknolohiya at nakalilimutan na nilang tumulong sa lipunan.

Gayunman, aminin man natin o hin­di, marami sa Pilipino na nakaranas ng ROTC noon ang sinasabing malaki ang epekto ng training sa ka­nilang pagkatao sa kasalukuyan kung saan ka­hit sa maliit na paraan ay naga­mit nila ang mga natutunan nila rito.

Samantala, ang nasabing aktibidad ay magpapanatili rin ng nationalism at patriotism para sa kabataan, kaya ma­ganda na habang bata pa sila ay kanila na itong maranasan.

Gayundin, ang ROTC ay hindi gi­na­gawa para lamang pahirapan ang mga estudyante kundi para matuto silang magkaroon ng kontrol at limitasyon sa kanilang mga gusto.

Kaya ang hiling natin sa lahat, par­tikular sa mga estudyanteng maka­ra­ranas ng ROTC, seryosohin ninyo ito upang hindi masayang ang mga aral na maaari ninyong matutunan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page