PCSO SPECIAL MAIDEN RACE (3-YR OLD OPEN)

AALAGWA ngayong hapon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Special Maiden Race (3 Year Old Open) kasabay ng carry over sa Super Six sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Inihahandog ang dalawang Winner Take All at dalawang Pick 5, isang Pick 6 at Pick 4 sa 10 bibitawan na karera na mag-uumpisa ng ganap na 3 p.m.
Sa Race 1, magaganap ang umpisa ng WTA kasabay ng carry over ng super six na P26,544 at pinapaboran na maglalaban na kalahok ang Belle Esprit, Noh Sen Young Yana, Bitcoin, Sun Flower at Lady Benevolentia.
Magaganap ang 3 Year Old Group Race (7) sa Race 2 at nakalalamang ang Ava’s Tale habang makakalaban ang Rockabye. Sa Race 3, magaganap ang 2019 PCSO Special Maiden Race (3 Year Old Open) at pinapaboran ang JLO habang ang Redmond at Shanghai Grey ang magsisilbing kalaban sa pagtahak ng pagsisimula ng 1st Pick 5.
Magaganap ang simula ng 2nd WTA sa Race 4 at nakalalamang ang Casablanca habang magsisilbing kalaban ang mga kalahok na She Can Dance, ang couple entry na Mapaghinala, Mahilig, Storm Goddess at Nicole’s Pet.
Ipinapatok ang Garantisado sa Race 5 habang makakalaban ang couple entry na Boni Avenue at San Rafael, Batang Highlander at Corazon.
Nakalalamang ang couple entry na Sky Plus at Kisskissbangbang sa mga kalaban na Beyond D’Sea, Single Flower at Isa Pa Isa Pa sa Race 6 kasabay ng panimula ng 2nd Pick 5. Sa Race 7, magsisimula ang Pick 4 at nakalalamang ang couple entry na Significant Play, Hiroshima, Lady Zip, Himpapawid at Moon Fire.
Magsisilbing paratingan ang Hail Storm, KIA Ora at Gee’s Account sa Race 8 at Shining Courage at Pendant sa Race 9. Nakalalamang ang Jawo at sinusundan ang Hello Junior at Quincy sa Race 10.
Tip ni Mang Ding: Race 1-Sun Flower (10) Belle Esprit (14) Race 2- Ava’s Tale (4) Valley Cat Rockabye (6) Race 3-JLO (1) Redmond (5) Shanghai Grey (2) Race 4- Casa Blanca (7) Nicole’s Pet (1) Race 5- Garantisado (9) Batang Highlander (4) Race 6- Entry No 4 Isa Pa Isa Pa (2) Race 7- Entry No.1 Himpapawid (3) Race 8- HailStorm (6) Isangkahigsangtuka (7) Race 9-Shining Courage (6) Pendant (1) Race 10- Jawo (10) Hello Junior (8)





Comments