top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kung mawawalan ng saysay ang isang semester matapos bawian ng accreditation ang law school na pinapa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 25, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta, Binawian ng akreditasyon ng Legal Education Board (LEB) ang unibersidad kung saan ako kumukuha ng abogasya sa kalagitnaan ng klase. Nais kong malaman kung maipapawalansaysay ang isang semester ko dahil dito?

Pippa

Dear Pippa, Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 9 ng Republic Act No. 7662 o mas kilala bilang “Legal Education Reform Act of 1993,” na:

Section 10. Effectivity of Withdrawal or Downgrading of Accreditation – The withdrawal or downgrading of accreditation status shall be effective after the lapse of the semester or trimester following the receipt by the school of the notice of withdrawal or downgrading unless, in the meantime, the school meets and/or upgrades the standards or corrects the deficiencies upon which the withdrawal or downgrading of the accreditation status is based.” (Binigyang-diin)

Ibig sabihin, magiging epektibo lamang ang pagkatanggal ng akreditasyon ng inyong paaralan pagkalipas ng semestre kung saan kayo ay kasalukuyang naka-enroll. Sa madaling salita, kikilalanin pa rin ng Legal Education Board (LEB) ang semester na inyong pinasukan kasabay ng pagbawi ng akreditasyon ng inyong paaralan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page