top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

House Speaker, dapat matinong lider at hindi nakukuha sa pera, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 25, 2019
2 min read

SAKSI ang mga botante sa malawakang vote-buying sa katatapos lang na eleksiyon.

Bigo ang Comelec na mapigil ito!

◘◘◘

UMAKSIYON ang PNP sa reklamo ng vote-buying, pero iilang lugar lamang ang nagawa nilang salakayin.

May mga kinasuhan, pero mas marami ang nakalusot!

◘◘◘

TINATAYA sa P500 o P1,000 kada boto sa ordinaryong iskema ng tradisyunal na vote-buying.

Pero, may ilang lugar na umabot mula sa P4, 000 hanggang P7, 000 ang bilihan ng boto kapag ang iminaniobra ay ang balwarte ng kalaban!

◘◘◘

KUNG inaakala nating tapos na ang vote-buying, nagkakamali tayo.

Sa mahigpit na girian sa pagka-Speaker ng Kamara, maugong ang tradisyunal na pagbili ng boto.

Mas bongga ang bilihan sa Kamara kasi bigtime ang posisyon ng ‘speakership’!

◘◘◘

SA katunayan, matagal nang nagaganap ang maniobrang ito kung saan lihim na tumatanggap ng pinansiyal na ayuda ang mga kongresista.

Sa ibang iskema, ang “pangakong pork barrel” o committee chairmanship ang nagsisilbing “pambili ng boto”!

◘◘◘

NAKABABAHALA naman ang ulat na papalo sa P500,000 hanggang P1 milyon ang iniaalok na boto ng mga bilyunaryong aspirante sa pagka-Speaker.

Sinasabing ang half million pesos ng isang popular na aspirante ay dodoblehin ng kanyang karibal.

Hindi na sakop ng Comelec at PNP ang bilihan ng boto sa Kamara!

◘◘◘

ISANG aspirante sa Kamara ay kailangan munang mamili ng boto mula sa kanyang kapartido dahil may dalawa pa siyang karibal.

Meaning, doble-effort at siyempre, higit sa doble ang kanyang badyet!

◘◘◘

BUKOD d’yan, naunahan na siya ng isa pang aspirante at kailangan niyang masulot ang mga nauna nang nangako rito.

Maselan ang girian sa Kamara at mahihirapang makakuha ng ebidensiya sa vote-buying dahil sopistikado ang diskarte rito dahil mga “ bigfish” ang nasasangkot!

◘◘◘

NAUWI sa maselang sitwasyon ang Kamara dahil umiiwas sina P-Digong at Mayor Sara na mag-endorso ng aspirante sa pagka-Speaker at ang naging resulta nito ay free for all.

Matira ang matibay, matira ang may pinakamaraming datung.

◘◘◘

HINDI na titino ang pamahalaan dahil may vote- buying sa barangay at mga lalawigan tuwing eleksiyon.

Maging sa Kamara ay mananatili bang “pera pera" rin ang kampanyahan?

◘◘◘

KAILANGAN lang ay 200 boto mula sa halos 300 kongresista bago maging Speaker.

Sa tig-half million sa kada botante, kailangan lang ng isang aspirante ay P100 milyon.

Para naman talunin siya ng isa pang aspirante, kailangan naman ng tig-P1milyon sa bawat kongresista, maglalabas lang ng P200 milyon, magiging Speaker ka na!

◘◘◘

KAILANGAN mapigil ng Malacañang ang ganitong iskema.

Mahalagang pumili ang mga kongresista ng matinong leader nang hindi naiimpluwensiyahan ng salapi, pangakong pork barrel o committee chairmanships.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page