COLLADO AT GABO, BAGONG IBABALANDRA NG BASILAN STEEL
- Alvin Olivar/MC
- May 25, 2019
- 2 min read

BAGONG mga players ng Basilan Steel team ang nangako na kakabigin ang kampeonato sa 3rd season ng lumalagong regional amateur league sa bansa.
Idinagdag sina Jay Collado at Hesed Gabo na mula sa Q.C. Capitals at aminadong motibado sila sa paglahok sa Jumbo Plastic Steel ni coach Jerson Cabiltes dahil isang championship squad ang binuo.
Key players ng Capitals sina Collado at Gabo sa nagdaang season. Ang 6-foot-4 na si Collado ay may averaged 14 puntos at 8 rebounds kada laro at naging bahagi ng MPBL All-Star team. Si Gabo, isa sa top three best play makers sa Datu Cup, ay may average 7 assists per game at 11.26 points. “Lahat naman ng players ang gusto, mag-champion,” ayon kay Collado nang ipakilala ang team sa Vagabonds Restaurant sa Scout Torillo, Quezon City. “Noong nalaman ko na nagbubuo sila ng championship-caliber team, hindi ako nagdalawang isip kasi nakita kong desidido talaga sila. Hindi na rin naman kasi bago sa akin sina Coach Jerson dahil naglalaro rin ako sa kanila sa D-League. Nung nalaman ko na ganun na lang sila kaseryosong magbuo ng malakas na team, inisip ko na baka ito na ‘yung tamang pagkakataon para manalo ng championship,” dagdag ni Gabo na naglaro kasama si Cabiltes sa D-League.
Naibahagi na ex-pro Jonathan Uyloan, ang player na may championship pedigree at dating player ng ROS Elasto Painters noong 2012 Governors Cup, “You could sense it right there in practice. We saw how serious and how determined each and everyone in the team as if they were competing against each other. If we’re all serious in winning games out there in practice, winning games in the tournament would be easier.”
Bukod sa kanila, ang iba pang newly-acquired key players ng Basilan na hawak nina general manager Hegem Furigay at asst. general manager Jax Chua sa next season ay sina ex-pro Mark Anthony Bringas, MPBL journeyman Gab Dagangon, dating Pasay Voyagers Jett Vidal, Shaq Alanes at Bobby Balucanag, ex-Navotas cager Michole Sorela, collegiate standout Allyn Bulanadi at St. Clare stalwarts Irven Palencia, Jhunjie Hallare at Darwin Lunor.





Comments