Bagay ‘to sa mga beshy nating nangangamote... 6 mental workoutS para mapatalas ang isip

MADALAS ka bang may makalimutan? ‘Yung tipong kagagamit mo lang ng partikular na bagay, pero ilang segundo lang, hindi mo na matandaan kung saan mo ito nailagay? Naku, mukhang hindi na healthy ang brain mo kapag ganyan. Hmmm…
Mahalaga ang ehersisyo hindi lamang sa pisikal na katawan kundi maging sa utak. Importanteng nae-exercise ito upang mapanatiling malusog. Kaya, narito ang ilang ‘mini mental workout’ o ‘neurobiotic excercises’ na puwede nating subukan nang sa gayun ay mapanatiling matalas ang ating isipan:
1. BRUSH TEETH WITH YOUR NON-DOMINANT HAND. Ayon sa research, ang pagtu-toothbrush gamit ang non-dominant hand ay isang uri ng brain exercise. Halimbawa, kung nakasanayan nating gamitin ang ating kanang kamay sa pagsesepilyo, makabubuti kung kaliwang kamay naman ang gagamitin natin o vice-versa minsan sa isang linggo o depende sa trip mo. Ito ay nagreresulta nang paglawak ng cortex na nagko-control ng mga impormasyon sa ating isipan o sa madaling salita, lumalawak ang ‘brain storage’ natin.
2. SWITCH AROUND YOUR MORNING ACTIVITIES. Karamihan sa atin ay may daily routine, lalo na sa umaga bago pumasok sa school o opisina. Gayunman, base sa ilang pag-aaral, ang pagbabago ng routine o mga nakasanayang gawin ay nakapagdudulot ng maganda sa ating utak. Halimbawa, pagbabago ng ruta o mode ng transportasyon, pagbabago ng pinanonood sa TV, pinakikinggang kanta at iba pa.
3. MAKE A NEW CONNECTION WITH YOUR NOSE. Kapag sanay tayong makalanghap ng aroma ng kape tuwing umaga, makabubuti kung babaguhin natin minsan sa isang linggo ang nakasanayan nating naamoy tulad ng vanilla, citrus o peppermint. Maituturing na brain exercise ang paglanghap sa iba’t ibang amoy, kaya try din natin ito, okidoki?
4. OPEN THE CAR WINDOW. Sa pagkakataong nasa biyahe tayo, oks ang simpleng pagbubukas o pagtingin sa bintana ng sasakyan, subukan nating kilalanin o tandaan ang mga bagay na ating nakikita sa paligid. Ito ay mabuting exercise sa hippocampus, area sa ating utak na responsable sa pagpa-process ng mga alaala.
5. SCAN AT THE SUPERMARKET. Para sa mga madalas namimili sa grocery store, gamitin natin ang chance na ito para maehersisyo ang ating mga brain cell sa pamamagitan ng pag-i-scan sa mga produkto rito, bibilhin man natin o hindi. I-familiarize natin ang ating isipan sa function ng mga ito sa simpleng pagbasa ng mga label. Ito ay trick para tumalino.
6. EAT UNFAMILIAR FOOD. Walang masama kung sumubok tayong kumain ng mga pagkain na hindi tayo familiar. Halimbawa, try natin ‘yung mga foreign cuisine o ‘yung mga pagkaing lokal sa probinsiya. Puwede ring tayo mismo ang mag-eksperimento ng mga iluluto nating pagkain. Make sure lang na magiging maingat tayo sa paghahanda at sigurado tayong makakain ito upang hindi masayang.
Bagama’t, weird ang ilan sa mga ‘brain exercise natin, try pa rin natin itong gawin, malay mo mag-work at next ay hindi na tayo maging makalilimutin. He-he-he!





Comments