Anak ni kap, huli sa droga

TIMBOG ng pinagsanib na elemento ng RDEU-NCRPO, SWAT, MPD-PS7 at PDEA-NCR Regional Office, ang anak ng isang barangay chairman na sangkot umano sa pagbebenta ng iligal na droga, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Manila.
Inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Carolina Sison, ng Branch 18 ng Manila RTC sa kasong iligal na droga, ang suspek na si Benedict Cortez alyas Jon-Jon, ng Bgy. 228, Tondo, Manila, alas-4:40 ng madaling-araw.
Nabatid sa Manila Police District (MPD) na ang suspek ay anak ni Chairman Ricardo Cortez, ng Bgy. 228.
Kabilang sa narekober mula sa suspek ang apat na sachets ng shabu na tumitimbang ng 50 gramo ng shabu na may street value na 340,000, drug paraphernalias, 12 gauge shotgun at 48 pirasong live ammos ng cal. .40.
Dahil sa panibagong ebidensiya na nakuha sa suspek, sasampahan pa ulit ito ng panibagong kaso ng paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms.





Comments