7 patay sa tornado
NASAWI ang pito katao matapos ang pagtama ng malakas na buhawi sa Missouri.
Karamihan sa mga biktima ay mula sa Golden City habang ang iba ay mula sa Jefferson City.
Samantala, 20 katao ang kanilang nailigtas sa Jefferson City kung saan maraming gusali ang nasira.
Hindi muna pinalabas ng mga awtoridad ang mamamayan sa kanilang tahanan dahil sa panganib ng mga natumbang puno.
Sinasabing aabot sa 29 buhawi ang tumama sa lugar sa loob ng 24 oras o mahigit 170 buhawi mula noong nakaraang linggo.
Patuloy ang ginagawang pagbisita ng mga kapulisan sa mga bahay para matiyak na walang maiwan.





Comments