Tserman niratrat, utas

BINATI muna ng “magandang umaga” saka pinagbabaril hanggang sa mapatay ang kapitan ng barangay sa Palaya City, Nueva Ecija, Martes ng umaga.
Hindi na umabot nang buhay bagama’t, naisugod pa sa ospital si Biatco Pascua.
Batay sa naantalang ulat sa pulisya, alas-9:00 ng umaga nang pumasok sa bakuran ng mga Pascua ang suspek at pinuntirya ang kapitan.
“Narinig daw ng kapitbahay ko, magkadikit lang kami. Ang sabi raw ng salarin, ‘magandang umaga kap’. Tapos pumutok na,” ayon kay Macrina, misis ng biktima.
Narekober ng pulisya sa lugar ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng baril at isang slug ng 9mm.
Hinala ng pamilya ng biktima, posibleng may kinalaman sa politika ang pamamaslang dahil wala umano silang alam na kaaway nito.





Comments