top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Trump nag-walkout sa meeting

Jersey Sanchez
May 24, 2019
1 min read

BIGLANG nag-walkout si US President Donald Trump habang nakikipagpulong sa mga Demokratikong mambabatas.

Nakatakda sanang pag-usapan ng dalawang kampo ang tungkol sa gastos ng gobyerno sa imprastruktura.

Ayon kay Trump, ititigil nito ang pakikipagtulungan sa mga demokratiko kung iaatras nila ang imbestigasyon na may kaugnayan sa Mueller special counsel report.

Kaugnay ito ng diumano’y pakikialam ng Russia sa nakaraang presidential election.

Matagal nang plantsado ang pakikipagpulong ni Trump sa mga demokratiko matapos mapagkasunduan ng dalawang panig ang posibleng $2 trillion infrastructure proposal.

Inaasahang magbibigay ng karagdagang detalye si Trump sa Democrats kung paano mababayaran ito.

Ngunit, hindi ito umepekto kay Senate Minority Leader Chuck Schumer.

Ayon sa kanya, walang ideya si Trump kung paano ito mababayaran kaya napilitan itong tumakbo para makaiwas.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page