Paraan upang magpa-schedule sa mga programa ng PCUP, alamin!


HANDOG ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang three priority programs para mapagaan ang buhay ng madla. Ito ay ang Urban Poor Privilege Card, Adopt-a-Community at PCUP Caravan.
Ang PCUP Caravan ay hindi lamang limitado sa Luzon kundi pati na rin sa Visayas at Mindanao. Habang tumatagal ay inaasahan nating mas darami pa ang mapupuntahan natin upang mabigyan ng libreng serbisyo ng gobyerno.
Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Ako si Nica at nakatira kami sa Dagupan, Pangasinan. Nakikita ko sa Facebook ang ginagawa ninyong caravan. Maaari kaya kaming magpa-schedule para makapunta ang programa ninyo sa aming lugar?
Sagot
Hello, Nica! Maraming salamat sa iyong katanungan. Maaari kayong mag-email sa pcup.media2019@gmail. com o mag-message sa ating official Facebook page para sa lokasyon at iba pang mga detalye ng inyong request at sisikapin nating matugunan ito.
Sa kasalukuyan ay mayroon na tayong mga naka-schedule na caravan ngayong Hunyo. Tayo ay nasa NAPOCOR Compound, Bgy. Sucat, Parañaque ngayong June 7; Bacoor, Cavite ngayong Hunyo 14; darating tayo sa EB Magalona Covered Court, Negros Occidental ngayong Hunyo 20 at Bgy. Matabao, Buenavista, Agusan del Norte ngayong Hunyo 28.
Ang mga caravan na ito ay maghahatid sa mga maralita ng libreng serbisyong-medikal at dental hatid ng Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO); job fair hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); legal assistance hatid ng Public Attorney's Office (PAO) at marami pang iba.
Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.
Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.
Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.





Comments