top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Panawagan para sa mga kandidatong wagi sa Senado, Pilipino muna bago ang pamomolitika!

Ryan B. Sison
May 24, 2019
1 min read

MATAPOS ang ilang araw na pagbi­bilang ng boto, naiproklama na ng Com­mission on Elections (Comelec) ang 12 nanalong senador na manunungkulan para sa taumbayan.

Gayunman, nakiusap ang Palasyo sa mga ito na unahin ang mga Pilipino at isantabi ang pamomolitika.

Sa ngayon, ang pinakaproblema ng ma­mamayan ay kahirapan na dulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, hindi sapat na su­weldo at kakulangan ng opor­tunidad sa trabaho at ‘yun ang inaasahan nating bibigyan nila ng pansin at pra­yoridad.

Dagdag pa rito, ang mga kabataan na naliligaw ng landas, matinding trapik at kriminalidad.

Hindi ‘yung kung anu-anong proyekto na sa totoo lang ay hindi naman natin mapakiki­nabangan.

Matatandaang, marami ng naging proyekto ang gobyerno na masasabi nating “mema”, kaya sana, ngayong bago na ang mga uupo, maganda at ma­ayos na plataporma na ang ihain ninyo sa lahat.

Hiling natin na huwag nang maulit ang nangyari sa nakaraan, pagbabago ay dapat ng simulan para sa mas progre­sibong bayan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page