top of page
Pokwang.jpg

Pag-exempt sa Geologist Licensure Examination

Writer: BULGAR
BULGAR
May 24, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Kahit napakahirap ng buhay sa aming lugar, buong tiyagang nagsumikap ang aming mga magulang upang makapagtapos ng pag-aaral ang isa sa aming mga kapatid. Nakapag­tapos ang bunso kong kapatid ng Doctor of Philosophy (Ph. D.) in Geology sa unibersidad sa aming siyudad. Gayunman, nais naming malaman kung nararapat pa ba siyang kumu­ha ng licensure examination para magtra­baho bilang geologist? Maraming salamat!— Leon

Dear Leon,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 26 ng Republic Act No. 10166, na mas kilala bilang “Geology Profession Act of 2012” kung saan nakasaad:

“Section 26. Exemption from Licensure Examination. – A graduate of Doctor of Philosophy (Ph.D.) in Geology or an equivalent degree in any of the specialized branch of Geology from a duly recognized university shall be exempted from taking the licensure examination upon evaluation of the Board. He/She shall be required to register in the same manner as those who will pass the licensure examination.” (Binig­yang-diin)

Ibig sabihin, ang mga naka-graduate ng Doctor of Philosophy (Ph. D.) in Geology o ang katumbas nito sa mga specialized branch ng Geology mula sa mga natatanging unibersidad ay exempted o hindi na kailangang kumuha ng licensure examination matapos ang pagsusuri ng Professional Regulatory Board of Geology. Maaari silang magrehistro tulad ng ibang mga nakapasa sa licensure examination. Sa sitwasyon ng inyong kapatid na nakapagtapos ng Doctor of Philosophy (Ph. D.) in Geology, matapos ang pagsusuri ng Professional Regulatory Board of Geology ay maaari na siyang ma-exempt sa pagkuha ng licensure examination upang magtrabaho bilang geologist.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakaba­se sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page