Goodbye ‘endo’!
- BULGAR

- May 24, 2019
- 1 min read

Noong Enero ng kasalukuyang taon, pumalo sa 5.20% ang unemployment rate sa ating bansa.
Kabilang sa mga rason ng mataas na unemployment rate ay ang skill mismatch, mabilis na paglaki ng populasyon at ‘endo’ o ‘short-term employment’.
Kaugnay nito, lusot na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang-batas laban sa kontraktuwalisasyon.
Nakapaloob sa Senate Bill No. 1826 ang seguridad sa trabaho ng mga empleyado sa pamamagitan ng pagbabawal sa kontraktuwalisasyon at pagtatapos ng ‘endo’ o ‘end of contract’.
Ayon sa pangunahing may-akda ng naturang bill, matagal nang hinihintay ng mga manggagawa na maipasa ang panukala.
Nais bigyan ng panukala na magkaroon ng peace of mind ang mga manggagawa sa kalagayan ng kanilang employment dahil walang empleyadong mawawalan ng trabaho nang hindi dumaan sa tamang proseso at pagdinig.
Malaking bagay ito para sa bawat empleyadong hindi puwedeng mawalan ng trabaho upang matugunan ang mga pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.





Comments