GILAS, NAKA-SWEEP SA FIBA 3X3 IRAN AT SAMOA, TINALO SA CHINA

NAKUMPLETO ng Gilas Pilipinas 3x3 ang sweep ng kanilang mga laro kahapon sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa FIBA 3x3 Asia Cup 2019 sa Changsha, China. Tinalo ng Gilas Pilipinas 3x3 ang Iran, 21-19, habang nanaig silang muli kontra sa Samoa, 22-15, para makuha ang 2-2 na kartada sa pagtatapos ng kanilang kampanya.
Pinangunahan ni RJ Abarrientos ang atake ng Gilas Pilipinas 3x3 sa dalawang laro. Umiskor ng 18 points ang high school player mula sa Far Eastern University sa kanilang laban kontra sa Iran para makuha ang unang panalo sa torneo. Muling nagpakitang gilas si Abarrientos sa pangalawang laro pagkaraang magtipa ng 14 points para talunin ang Samoa.
Nagpamalas ng husay si Abarrientos sa gitna ng pagkakaroon ng ankle injury ni Ricci Rivero noong Miyerkules.
Nagtapos sa pangalawang puwesto ang Gilas Pilipinas 3x3 sa Qualifying Draw A ngunit hindi nakaabanse ang koponan sa Pool rounds sa pagkuha ng Qatar sa unang puwesto sa qualifiers.





Comments