top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Cayetano, Romualdez, Alvarez at Velasco, unahan sa puwesto ni Ate Glo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2019
  • 1 min read

NAGKAKAINITAN na ang girian sa Speakership sa Kamara.

Matira ang matibay!

◘◘◘

KABILANG sa mga aspirante sina Alan Peter Cayetano, Martin Romualdez, Pantaleon Alvarez at Lord Alan Velasco.

Unahan sila sa iiwanang puwesto ni Ate Glo!

◘◘◘

Sinasabing malapit sa mga Duterte si Velasco, lalo na kay Davao City Mayor Sara Duterte dahil ipinangalan pa nito kay Inday Sara ang isa sa mga anak ng kongresista.

Iba rin siya kung magsipsip.

He-he-he!

◘◘◘

ANG problema, hindi naiangat ni Velasco ang boto ni SAP “Bong” Go kahit man lang sa Top 5 sa lalawigan ng Marinduque.

Kumbaga, naiwan ang “anak-anakan” ni P-Digong sa lalawigan ng mga Velasco!

◘◘◘

KUNG tutuusin, angat na angat sa ibang lalawigan si Go kaya pumalo ito sa no. 3 position sa final tally.

No.1 si Go sa Davao na teritoryo ni Alvarez at ito rin ang kanyang lalawigan!

◘◘◘

NUMBER 3 si Go sa Tacloban City na siyudad ni Romualdez at no. 3 din siya sa Taguig na lungsod naman ng mga Cayetano.

Paano kapag naging Speaker si Velasco, masuportahan kaya nito ang agenda ng Malacañang?

◘◘◘

SA huling presidential elections noong 2016, hindi si P-Digong ang sinuportahan ni Velasco kundi si Grace Poe.

Todo-kayod si Alvarez at naging Speaker ng Kamara noon, samantalang, ang naging runningmate at taga-depensa ni P-Digong ay si Cayetano!

◘◘◘

MAHALAGA ang gagampanang papel ng Speaker ng Kamara sa huling tatlong taon ng termino ni P-Digong.

Kumbaga, rematehan na ini!

◘◘◘

KAILANGAN ni P-Digong ang mga maasahan at beteranong hinete na makatutuwang niya sa homestretch.

Kailangang hindi “jockey-hulog” ang makasangga ni P-Digong sa Kamara!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page