top of page
Pokwang.jpg

Bangkay gagawing pataba sa lupa, aprub

Jersey Sanchez
May 24, 2019
1 min read

NANGUNA ang Washington bilang unang estado na legal na gawing pataba sa lupa ang mga bangkay ng tao.

Ang naturang batas ay naglalayong mabawasan ng carbon emissions mula sa paglilibing at cremations.

Sa ilalim ng batas, puwedeng pumili ang kanilang mamamayan kung gusto nilang gawing pataba ang kanilang bangkay o tinatawag na recomposition.

Ayon kay Katrina Spade, founder ng Recompose, ang recomposition ay alternatibo sa ordinaryong pag-eembalsamo at paglilibing, gayundin sa cremation.

Ito ay ligtas, natural at sustainable na makatitipid sa carbon emissions at land usage.

Ang naturang batas ay magiging epektibo sa susunod na taon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page