37 OFWS, nabiktima ng illegal recruiters

BALIK-BANSA kahapon ang 37 overseas Filipino workers (OFWs) na biktima umano ng illegal recruiters.
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang mga manggagawa lulan ng Philippine Airlines (PAL) Flight PR659 mula sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).
Mayorya sa mga bumalik na OFWs ay sinasabing biktima ng illegal recruitment, mga runaway na ang reklamo ay hindi sapat ang suweldo at pagkain na ibinibigay sa kanila habang ang iba naman ay sanhi ng pang-aabuso ng kanilang mga amo.
Ang iba pang kaso ay ang palipat-lipat ng amo dahil ibinebenta sila ng kanilang employer.
Ayon sa ilang OFWs, pinangakuan sila ng magagandang trabaho ng kanilang local recruitment agency subalit, pagdating sa UAE, ipinasok sila bilang household service workers.





Comments