top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 kotong cop, timbog

Jeff Tumbado
May 24, 2019
1 min read

ARESTADO ng mga operatiba ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) ang dalawang pulis sa ikinasang entrapment operation sa Lanao del Sur.

Hindi na nakapalag nang posasan ang dalawang pulis ng kanilang mga kabaro na sina Police Staff Sergeant Jeffrey Romero Fabros at Police Master Sergeant Erwin Piquero.

Nabatid kay PNP-CITF Commander Police Col. Romeo Caramat, ang dalawa ay kapwa nahuli sa aktong tumatanggap ng P50,000 marked money mula sa complainant.

Paliwanag ni Caramat, humingi ng tulong sa kanila ang biktima dahil hinihingan siya ng P200,000 ng mga suspek para mai-downgrade ang kaso ng kanyang anak na inaresto dahil sa illegal possession of firearms noong May 17.

Unang sinalakay umano ng mga suspek na pulis ang bahay ng nagreklamo sa bayan ng Wao, Lanao del Sur nang walang bitbit na search warrant kung saan nakuha ang kalibre .45 na baril.

Ayon kay Caramat, nakapagbigay na ang complainant ng inisyal na P100,000 sa mga suspek kaya pinayagang makalaya ang naarestong anak.

Gayunman, kalaunan ay humingi pa ng karagdagang P100,000 ang dalawang pulis at naibaba sa P50,000.

Doon na humingi ng tulong sa CITF ang nagreklamo at isinagawa ang operasyon laban sa dalawa.

Napag-alaman pa sa report na sina Fabros at Piquero ay kapwa mayroon na umanong dating kinaharap na reklamo na may kaugnayan sa iligal na droga kaya nailipat sila sa rehiyon ng Mindanao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page