10 katao sugatan sa aksidente
ALBAY—Sampu katao ang sugatan nang bumaligtad ang sinasakyan nilang van, kamakalawa sa Bgy. Taysan, Legazpi City sa lalawigang ito.
Sa kasalukuyan ay hindi pa nakikilala ang mga biktima na dinala sa iba’t ibang pagamutan sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng van ang driver kaya bumaligtad ang sasakyan at nasugatan ang mga sakay nito.
Nakatakdang sampahan ng mga awtoridad ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury ang driver ng van.





Comments