top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Travel and tour agencies na patuloy sa pag-aalok ng serbisyo kahit hindi accredited, lagot!

  • Ryan B. Sison
  • May 23, 2019
  • 1 min read

KASUNOD ng kaliwa’t kanang rekla­mo hinggil sa pag-aalok ng serbisyo ng mga hindi awtorisadong entities sa iba’t ibang social media platforms, nagpaalala ang Department of Tourism (DOT) sa pub­liko na huwag makipagtransaksiyon sa mga travel and tour agency na hindi accredited ng gobyerno.

Dahil marami pa rin ang sinusulit ang bakasyon at mayroon pang natitirang ipon at panggastos, marami ring mga negosyante ang sinusulit ang panloloko para kumita ng pera at kung hindi tayo magiging maingat ay maaaring isa tayo sa maging biktima nila.

Kaya kung ayaw nating mapunta sa wala ang perang ilang buwan nating ki­nita, siguraduhin nating magagamit na­tin ito sa mga produkto at serbisyo na ina­pubrahan ng mga ahensiya sa bansa.

Gayunman, kung sakaling isa kayo sa naging biktima ng mga ito, maaari ninyong i-report agad sa pulisya ang mga nanloko sa inyo upang maparusahan sila nang naaayon sa batas.

Huwag nating hayaang may mabik­tima pang muli dahil hindi tayo umimik o nagkaroon ng boses para magsabi ng ating mga hinaing.

Tandaan, ang anumang panloloko na ginagawa sa kapwa Pilipino ay hindi da­pat ipagsawalambahala kahit kailan.

Kaya palagi tayong mag-iingat at maging wais, mga ka-BULGAR!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page