top of page

Sintomas ng astigmatism

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 23, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 23 years old pa lamang subalit, nanlalabo na ang aking mga mata. Hirap akong magbasa, lalo na kapag medyo malayo sa akin kaya kailangan kong lumapit sa bahay dito para mabasa ko ng maayos. Sa pagkakataong ito, kailangan ko na bang magsalamin sa mata? Ang sabi ng pinsan ko ganito rin ang kanyang naranas nang magka-astigmatism siya kaya binigyan siya ng reading glasses. — Angel

Sagot

Ang normal na mga mata ay perpekto ang pagkakabilog. Ang liwanag ay nakapapasok at nagre-reflect dito ng maayos na nakapagbibigay ng maliwanag na paningin, pero kung ang mga mata ay hugis football o kutsara, ang liwanag sa mga mata ay hindi nakapagre-reflect sa tamang paraan at isang bahagi na lamang ang nabibigyan ng focus. Ang mga bagay na nakapuwesto sa malayo ay malabo at maalon. Madali lamang para sa mga ophthal­mologist na ayusin ang astigmatism gamit ang salamin, contact lens o pag-oopera.

Ang astigmatism ay natural lamang sa mga taong naipanganak na mayroon nito, gayunman, hindi tiyak ang pinaka­sanhi nito.

Puwedeng magkaroon ng astig­ma­tism matapos ang aksidente, pag­ka­kasakit sa mga mata o pagpa­paopera.

Ano ang sintomas ng astig­matism?

Ang panlalabo ng paningin ay pangunahing sintomas ng astigma­tism, pero ito ay puwede dahil sa fatigue o sobrang paggamit ng paningin.

Kung hindi makakita ng malinaw, makabubuti kung magpakonsulta agad sa ophthalmologist upang mabigyan ng karagdagang payo o kaukulang paraan depende sa resulta ng eksamin.

Ano ang gamot sa astigma­tism?

Karamihan sa kaso ng astigma­tism ay magagamot sa pamamagitan ng pagsusuot ng salamin o contact lenses. Kung ang sakit ay hindi malala at wala na naman itong kasamang iba pang sakit sa mga mata, malamang, hindi na magreko­menda ang doktor ng salamin o contact lens.

Ang irregular astigmatism ay isang uri ng sakit na hindi pangkaraniwan at kadalasan nang kaugnay ng isang uri ng sakit sa cornea, ang harapang bahagi ng mga mata.

Narito ang dalawang uri ng pama­maraan upang magamot ang astigmatism:

  • Paggamit ng salamin o contact lens — kapag ang pasyente ay may astigmatism, ang doktor ay magrere­komenda ng espesyal na uri ng contact lens na ang tawag ay toric. Ginawa ito upang mabalanse ang pag-bend ng liwanag sa loob ng mga mata.

  • Refractive surgery — ang pag-operang ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng laser. Layunin nitong baguhin ang hugis ng cornea. May iba’t ibang uri ng pag-oopera sa cornea kaya ang doktor ang magpapasya kung anong klaseng operasyon sa mga mata ang kailangan. Bago ang operasyon, kailangang may malusog na mga mata, walang problema sa retina o anumang peklat sa cornea.

Gayunman, kung may astigmatism na ang pasyente, maiiwasan ang mabilis na paglala nito sa pamamagitan ng pag-iwas sa sobrang pagpuwersa sa mga mata.

Tandaan. na ang pagkain ng masu­sustansiyang pagkain ay kailangan, lalo na kung ay may astigmatism o iba pang uri ng sakit sa mga mata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page