top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Programa ng gobyerno na layuning solusyunan ang malnutrisyon ng mga bata sa bansa

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Magandanag araw! Nais kong malaman kung mayroon bang programa ang ating pamahalaan para masolusyunan ang malnutrisyon ng mga batang Pilipino sa bansa? Maraming salamat! — Judith

Dear Judith,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Section 4 ng Republic Act (R.A.) No. 11037 o mas kilala sa tawag na “Masustansiyang Pagkain Para Sa Mga Batang Pilipino Act” kung saan nakasaad ang National Feeding Program na isinusulong ng ating pamahalaan upang masolusyunan ang malnutris­yon ng mga batang Pilipino sa bansa.

Ang nabanggit na programa ay binubuo ng mga sumusunod:

(a) Supplemental Feeding Program for Day Care Children para sa undernourished na mga batang may edad na tatlo (3) hanggang lima (5) na ipatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulugan sa mga Local Government Unit (LGU) na naaapektuhan;

(b) School-Based Feeding Program para sa undernourished na mga mag-aaral sa pampublikong paaralan mula kindergarten hanggang Grade six (6) na ipatutupad ng Department of Education (DepED);

(c) Milk Feeding Program kung saan ang mga National Government Agencies (NGA) sa pakikipagtulugan sa Department of Agriculture (DA), National Dairy Authority, Philippine Carabao Center at Cooperative Development Authority ay isasama ang sariwang gatas at mga produktong nakabatay sa sariwang gatas sa fortified meals at cycle menu;

(d) Micronutrient Supplements kung saan ang mga NGA, sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) ay magbibigay ng micronutrient supplements sa mga benepisaryo ng programa;

(e) Health Examination, Vaccination and Deworming kung saan ang mga NGA sa pakikipagtulungan sa DOH at LGUs ay magsasagawa ng pagsusuri sa kalusugan ngunit, hindi limitado sa deworming at pagbabakuna sa mga benepisaryo ng programa;

(f) Gulayan sa Paaralan kung saan ang mga NGA ay nanghihikayat na gamitin ang bahagi ng lupa upang taniman ng gulay at iba pang masustansiyang halaman;

(g) Water, Sanitation and Hygiene (WASH) kung saan ang mga NGA sa pakikipagtulungan sa DOH at LGUs ay magtatatag at magpapanatili ng mga pasilidad ng tubig at sanitasyon, itataguyod ang mahusay na kalinisan at ligtas na paghahanda ng pagkain at

(h) Integrated Nutrition Education, Behavioral Transformation, and Social Mobilization upang ipagpatuloy ang edukasyon sa nutrisyon sa labas ng paaralan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page