top of page
Pokwang.jpg

Nasa narco-list ni P-DU30 | PULIS NIRATRAT, UTAS

Jeff Tumbado
May 23, 2019
1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa tukoy na grupo ang isang aktibong pulis na kabilang umano sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bgy. Mabolo, Cebu City.

Dead-on-the-spot si Police Lt. Delfin Bon­tu­yan, 55, na nagtamo ng tig-isang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo, batok at likod.

Ayon kay Police Regional Office 7-Central Visayas (PRO7) Director Brigadier General Debold Sinas, isinagawa ang pagpatay ng apat na lalaking nakamotorsiklo pasado alas-2:00 ng hapon habang ang bik­tima ay sakay ng kan­yang motorsiklo ilang metro lamang ang layo mula sa Cebu City Hall of Justice.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon, katatapos lamang ng pagdalo ni Bontuyan sa isang illegal drug case hearing kung saan siya ay isang complainant.

Nagsilbi si Bontuyan bilang opisyal ng CIDG-7 sa Central Visayas at noong 2016 ay nalipat sa Cordillera Autonomous Region (CAR) matapos panga­lanan na isang narco-policeman ni Pangu­long Duterte.

Muling itinalaga si Bontuyan sa Jolo, Sulu kung saan siya nagsilbi bilang hepe ng isang himpilan ng pulisya roon.

Nagbalik lamang ang biktima sa Cebu upang magpunta sa court hearing.

Gayunman, paliwa­nag naman ni Sinas na nasibak na si Bontuyan sa CIDG-Region 7 noon dahil sa kasama ito sa binansagang “ninja cop” at “narco-cop” at kung bakit patuloy pa rin itong nasa serbisyo sa pagiging pulis ay dahil wala pa umanong nakukuhang solidong ebidensiya laban sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page