top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Magsasaka, dinukot at pinatay

Pabs Hernandez III
May 23, 2019
1 min read

AGUSAN DEL NORTE—Isang magsasaka ang dinukot at pinatay sa saksak ng mga nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA), kamakalawa sa Bgy. Bangonay, Jabonga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Rodito Buklas, residente ng nasabing barangay.

Nabatid na habang nagsasaka si Buklas ay nilapitan ito ng limang hindi kilalang lalaki na nagpakilalang mga kasapi ng NPA at saka dinukot, dinala sa matalahib na lugar at dito ito pinagsasaksak hanggang sa mapatay.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page