KYUSI, CALOOCAN AT VALENZUELA, BIDA SA CBA


PARE-PAREHONG kinasihan ng suwerte ang Quezon City, Caloocan at Valenzuela sa pahirapang panalo sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Founders’ Cup sa San Juan Gym nitong weekend.
Nagawa pang humabol ng Quezon City sa 38-points na pagkakaiwan kontra San Juan, 87-85, sa likod ng triple double ni Joco Tayongtong na 25 points, 10 rebounds at 6 assists.
Tinulungan nina Kim Medina at Mon Mabayo si Tayongtong sa tig-16 puntos. Isang go-ahead-layup ang nagawa ni Medina sa nalalabing 20 segundo, habang si Mabayo ay may final score para sa Capitals.
Matinding resbak ito sa Quezon City, na tinambakan ang San Juan, 57-23, sa huling dalawang peryodo upang burahin ang 30-62 deficit sa halftime. Kinarga ni Joseph Marquez ang laban sa San Juan sa bisa ng 17 points, 6 rebounds, one assist at 3 steals. Pero nagmintis si Marquez sa tangkang game-winning triple nang maupos ang oras. Sa iba pang laban, humabol pa ang Caloocan para talunin ang San Mateo, 96-90 at nakaasa rin ang Valenzuela mula kay veteran Floyd Dedicatoria sa overtime game para payukuin ang Malabon, 107-106. Nagpakawala ang Saints ng anim na straight points para tibagin ang 88-all deadlock at biguin ang pagbabalik ng Blazers. (MC)





Comments