top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Iniwan ng live-in partner | BEBOT NAG-SUICIDE

Maeng Santos
May 23, 2019
1 min read

KRITIKAL ang 26-anyos na babae matapos maglaslas ng kanyang pulso makaraang iwa­nan ng kanyang live-in partner sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Si Jennifer Alaba, tubong Negros Occidental at residente ng Lawang Bato ay ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong mga laslas sa kanyang pulso.

Ayon sa ulat, alas-9:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag mula sa kasera ni Alaba si Rebecca Delina, ina ng live-in partner ng biktima at ipinaalam na naglaslas ito ng pulso sa loob ng kanilang kuwarto.

Agad namang nagtungo si Delina sa inuupahang kuwarto ng biktima kung saan naabutan nito si Alaba na duguan ang magkabilang pulso na naging dahilan upang mabilis nitong dinala sa naturang pagamutan.

Napag-alaman na nagsimulang laslasin ng biktima ang kanyang pulso ala-1:00 ng madaling-araw matapos iwan ng kanyang live-in partner.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page